Inihayag ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na karagdagan pang 20 units ng Public Utility Bus (PUB) ang papayagan nilang makabiyahe sa EDSA Busway.
Ito’y bilang tugon sa kakulangan pa ng mga PUB.
Ayon sa LTFRB, nasa 428 PUBs ang bumibiyahe ngayon sa EDSA Busway, alinsunod sa mandato ng Department of Transportation (DOT) .
Paalala ng LTFRB, pinapayagan lamang na makabiyahe sa ruta ang mga roadworthy Public Utility Vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience o Application for Extension of Validity at nakarehistro sa personal passenger insurance policy ang bawat unit.
Facebook Comments