LTO, nangunguna sa reklamo sa red tape; LTO, dumipensa

 

 

Dumipensa ang Land Transportation Office (LTO) matapos iulat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nangunguna ito sa mga ahensya na inirereklamo sa mga may problema sa mga government transactions .

Nauna rito, sinabi ni ARTA Director General Ernesto Perez na hanggang nitong November 2023, may kabuuang 16,099 reklamo ang naipadala sa ARTA na karamihan ay patungkol sa mga kaso ay may kaugnayan sa fixing concerns.

Ayon naman kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, matapos ang kanilang serye ng entrapment operations laban sa fixers, nagkaroon na nang “substantial improvement” sa paghusay ng serbisyo ng ahensya sa publiko.


Isinusulong na rin ng LTO ang digitization ng government transactions bilang long term solution para sa transparency at convenience.

Facebook Comments