Mahigit 2 milyon doses ng Sputnik V vaccines, nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang nasa kabuuang 2,700,000 doses ng Sputnik V vaccines.

Ayon kay Philippine Airlines Spokesperson Cielo Villaluna, ang mga naturang bakuna ay sakay ng PAL flight PR-8623 mula Russia at inaasahang lalapag ito sa Terminal 2 bago mag-alas onse ngayong umaga.

Inaasahang sasalubungin nina NTP and Vaccines Czar Secretary Carlito Galvez kasama si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov at iba pang government officials ang mga bakuna.


Sa ngayon, nasa kabuuang 106,212,460 doses ng COVID-19 vaccines ang tinanggap na ng Pilipinas simula February 2021.

Facebook Comments