Mahigit 200,000, nakatanggap ng first booster dose sa Las Piñas City

Kinumpirma ng Las Piñas City government na pumapalo na sa 217,358 ang nakatanggap ng first booster dose na katumbas naman ng 42 percent.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) pumalo sa 576,704 individuals ang maituturing na fully vaccinated kontra COVID-19 o 89 percent ng target habang sa pediatric population ay mahigit 55,000 ang nabigyan ng dalawang doses mula sa 12 to 17 years old habang nasa 22,000 mula sa 5 to 11 years.

Paliwanag ng Lokal na pamahalaan ng Las Pinas na lampas sampung libong indibidwal na ang nabigyan ng second booster dose laban sa COVID-19.


Sa tala ng City Health Office, 13,184 ang naturukan ng second booster na katumbas ng 6.1 percent ng target population.

Binubuo ito ng mga senior citizen, frontline health workers at immunocompromised individuals.

Facebook Comments