MECO, pinabulaanan na mahigit 300 OFWs sa Central Taiwan ang na-infect ng local transmission ng COVID-19

Pinabulaanan ng Manila Economic and Cultural Office o MECO na mahigit 300 na Filipino workers ang na-infect ng COVID-19 sa Central Taiwan.

Ayon sa MECO, mahigit 100 lamang na Pinoy workers na tinamaan ng local transmission ng COVID sa Taiwan.

Nilinaw ng MECO na ang daan-daang Overseas Filipino Workers (OFWs) na unang napaulat na nag-isolate ay bahagi lamang ng health protocols matapos na kumalat ang infection sa pabrika na kanilang pinagtatrabahuhan


Matapos naman na ma-extentd hanggang sa June 28 ang Nationwide Level 3 Alert sa Taiwan, pinaalalahanan ng MECO ang Pinoy workers doon na sundin ang health protocols na pina-iiral ng gobyerno ng Taiwan.

Nanindigan din ang MECO sa kanilang kahilingan sa Taiwanese Government na isama sa kanilang vaccination plan ang lahat ng Filipino migrant workers doon kabilang na ang Pinoy caregivers.

Facebook Comments