MECO, puspusan ang pagsasagawa ng contact tracing sa OFWs sa Taiwan matapos ang malawakang hawaan sa isang kompanya doon

Puspusan ang pagsasagawa ng contact tracing ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan na na-infect ng COVID-19.

Kasunod ito ng ulat na may daang OFWs ang bagong na-infect ng virus sa Taiwan.

Partikular na mahigpit na tinututukan ng Philippine Overseas Labor and Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) at MECO ang 289 OFWs na naka-isolate ngayon sa Taichung.


Patuloy rin ang swab test sa 7,000 na mga manggagawa ng isang kompanya doon kung saan nagtatrabaho ang Pinoy workers na naka-isolate ngayon.

Sa naturang bilang, 1,700 ang kabuuang mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing kompanya kung saan nagkaroon ng malawakang hawaan ng infection.

Nagpaalala naman ang MECO officials sa Pinoy workers doon na mahigpit na sundin ang health protocols na pinaiiral ng Taiwanese Government.

Facebook Comments