Mga nasawing nabakunahan ng COVID-19, walang kaugnayan sa vaccine — DOH

167

Ang mga naitalang pagkamatay sa mga nabakunahan laban sa COVID-19 ay hindi dahil sa mga bakuna.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, lahat ng inuulat nila na mga nasawi sa kanilang website ay hindi nangangahulugang ang mga bakuna ang sanhi ng pagkamatay ng mga indibidwal na ito.

Aniya, kailangang maging mapanuri ang publiko at intindi ng mabuti ang nakalagay na mga datos.


Iginiit din ni Vergeire na nakasaad sa website ng Food and Drug Administration (FDA) na ang mga pagkamatay na ito ay susuriin pa rin kung ang mga ito ay may kaugnayan sa mga bakuna.

Facebook Comments