Bagyong Henry, mabagal na kumikilos patungong silangan ng Taiwan; Signal no. 2, nakataas pa rin sa Batanes

259

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Henry patungong karagatan sa silangan ng Taiwan.

Huling namataan ang bagyong sa layong 360 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 185 kilometro kada oras.


Mabagal na kumikilos ang Bagyong Henry pa-hilaga.

Nakataas pa ring ang Tropical Storm Wind Signal number 2 sa Batanes habang Signal no. 1 sa Babuyan Islands at sa hilagang silangan ng mainland Cagayan.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga.



Facebook Comments