Mga taong gustong magpabakuna ng ikalawang booster shot, dapat payagan na – kongresista

Muling umapela ang ilang kongresista na payagan na ang mga taong gustong magpabakuna ng ikalawang booster ng COVID-19 vaccine.

Apela ito ni dating Health Secretary at Iloilo Rep. Janette Garin sa Department of Health (DOH) kaugnay na rin sa plano ng ahensya na i-rollout na ang ikalawang booster vaccination.

Sa kasalukuyan ay tanging senior citizens at mga frontline healthworkers ang eligible para sa ikalawang COVID-19 booster.


Paliwanag ni Garin na dahil humihina na ang bisa ng primary series o first and second doses kaya may mga infection o may mga nabakunahan pero tinatamaan pa rin ng sakit.

Punto pa ng kongresista, kakaunti lamang ang nag-a-avail ng booster shot dahil hindi batid ng publiko na kapag walang booster ay hindi na ganap na protektado.

Facebook Comments