Buwanang serbisyo medikal at bakunahan, balak gawin ng BJMP at QC LGU

Target ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) at ng lokal na pamahalaan ng gawing kada buwan ang serbisyong medikal, dental, at COVID-19 vaccination para sa mga persons derprived of liberty ng Quezon City Jail Male Dormitory.

Nasa 192 na persons deprived of liberty (PDLs) ang nakinabang sa unang serbisyong medikal ng Quezon City local government unit (LGU) at BJMP-NCR.

Kabilang sa nakinabang dito ay mga may karamdaman gaya ng skin disease, hypertension at diabetes ay nakatanggap ng kaukulang reseta at gamot.


Nabigyan din ng referral sa opthalmolist ang mga PDLs na nakararanas ng paglabo ng mata habang tatlumpung PDLs naman ang nabigyan ng serbisyong dental.

Facebook Comments