Dagdag sahod para sa mga mangagawa, panawagan ng isang Senado

Nagpaabot si Senator Nancy Binay ng pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng manggagawa kaugnay sa Araw ng Paggawa.

Ayon kay Binay, patuloy siyang magiging kaisa sa panawagan at pagsuporta na madagdagan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.

Diin ni Binay, sa hindi matatawarang pagpupunyagi at pagsasakripisyo ng mga manggagawa nakasandig ang kalusugan, pagkain sa mesa, kaligtasan at kapakanan ng milyong-milyong Pilipino.


Umaasa si Binay na hindi panghihinaan ng loob ang mga manggagawa sa ating patuloy na pakikibaka laban sa pandemya.

Tiwala si Binay na malalagpasan din natin ang kasalukuyang krisis bunsod ng ating pagtutulungan at iisang pagkilos.

Facebook Comments