Search and rescue operations ng PCG sa mga nawawala sa pagbagsak ng tulay sa Bohol, tinapos na

121

Tinapos na ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Bohol ang search and rescue (SAR) operations sa Loay, Bohol.

Kaugnay ito ng pagbagsak ng Old Clarin Bridge kung saan una nang nailigtas ang 31 sibilyan.

Habang 4 ang napaulat na nasawi sa trahedya.


Nag-abiso naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na kukuha ng skilled divers na marunong mag-salvage ng mga sasakyang nadamay sa naturang insidente.

Samantala, nagsagawa naman ng topographical survey ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lugar.

Facebook Comments