National Vaccination Operations Center, tiniyak na tuloy na tuloy na ang bakunahan sa mga batang edad 5 hanggang 11 sa Lunes

Matapos maantala ang expanded pediatric vaccination sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang ngayong araw dahil sa logistical challenges.

Tiniyak naman ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na tuloy na tuloy na ito sa Lunes, Pebrero 7, 2022.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Cabotaje na nakaalis na ang eroplanong may lulan ng 780,000 doses ng Pfizer vaccines sa Brussels at inaasahan ang dating nito mamayang gabi.


Ani Cabotaje, pagkadating sa bansa mamayang gabi ng mga bakuna ay agad itong ide-deliver sa mga vaccination sites para sa rollout sa Lunes.

Dito muna sa Metro Manila uumpisahan ang rollout gayundin sa ilang piling lugar sa Region 3 at 4A habang tuloy ang ugnayan nila kung kaya rin itong maisagawa sa isang lugar sa Cotabato at isang regional hospital sa Davao city.

Samantala, Pebrero 14 inaasahang sa buong bansa na ikakasa ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments