Kabuuang 79 OFW, nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong nitong Enero

Umaabot sa 79 Overseas Filipino Worker (OFW) na dumating sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating doon nitong nakalipas na buwan ng Enero, ito ay mula sa kabuuang 175 noong nakalipas na buwan.

Ang naitalang mataas na kaso ng Pinoy workers sa Hong Kong na nagpositibo sa infection ang naging dahilan sa panibagong suspensyon ng flights mula sa Pilipinas.

Bukod sa Pilipinas, nagpatupad din ang Hong Kong ng flight suspension sa pitong iba pang mga bansa


Kabilang dito ang Australia, Canada, France, India, Pakistan, UK at US.

Facebook Comments