NCMF, naglabas ng sama ng loob sa naging sitwasyon ng Pinoy pilgrims sa Saudi Arabia

Naglabas ng sama ng loob ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa hindi maayos na sitwasyon ng Filipino pilgrims sa Mina, Makkah at Saudi Arabia.

Partikular ang kawalan ng pagkain, kawalan ng supply ng tubig sa tents at ang mga sirang air-conditioned units.

Personal na kinausap ni NCMF Chief-of-Staff Atty. Manggay Guiling Guro ang matataas na opisyal ng Mashariq para ilahad ang sinapit ng Pinoy pilgrims.


Una nang ni-rescue ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia ang mga Pilipinong Muslim na na-stranded sa gitna ng mataas na temperatura sa Muzdalifah.

Sampu rin sa 200 Filipino pilgrims ang isinugod sa ospital at nang makalabas ng pagamutan ay agad silang dinala sa Mina.

Facebook Comments