Noise barrage ng isang militanteng grupo sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila, ipinatigil ng pulisya at opisyal ng barangay

Ipinatigil ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ng mga opisyal ng barangay ang ginawang noise barrage ng militanteng grupong Anakbayan sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nagsagawa ng noise barrage ang Anakbayan upang ipanawagan sa gobyerno ang karapatan ng mga vendors sa kabuhayan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Iginigiit din ng grupo na kasama nila sa aktibidad ang mga vendors ng Trabajo Market para ipaalam ang kanilang hinaing pero napag-alaman na sila-sila lang pala ang magsasagawa ng noise barrage.


Ayon naman kay Brgy. 453, Zone 45, Chairwoman Leticia de Guzman, walang permit at hindi niya pinayagan ang nasabing aktibidad ng militanteng grupo kung saan hindi rin tototo na may mga vendors na kasama nila sa noise barrage.

Agad ding kinausap ng kapitan ng barangay ang mga vendors para alamin kung may mga pagkukulang ba sa pamamalakad ng pamunuan ng palengke at iba pang hinaing ng mga ito.

Dahil sa ayaw naman paawat, napilitan ang pulisya na sapilitang paalisin ang mga militanteng grupo dahil nagdudulot na ito ng perwisyo sa daloy ng trapiko at hindi na rin nasusunod ang inilatag na health protocols.

Facebook Comments