Gobyerno, walang magagawa kung may magsunuran pang malalaking negosyo ang magsasara bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19

122

Aminado si Trade Secretary Ramon Lopez na mahirap sagutin kung mayroon pang ibang mga negosyo ang posibleng sumunod na ring magsara o tumigil ang operasyon sa bansa.

Sa harap na rin ito ng nauna nang pagsasara ng isang five-star hotel at isang car manufacturer sa bansa kamakailan.


Sinabi ni Lopez sa Laging Handa public press briefing na walang magagawa rito ang gobyerno dahil sariling desisyon ito ng mga kumpanya.

Sa panahong ito ng pandemya, sadyang maraming negosyo ang naapektuhan o humina ang kita kaya kinailangan nilang magbawas ng operasyon.

Inihalimbawa ni Lopez ang kumpanyang Nissan sa Cavite na ipinasara na muna dahil mahina ang kita gayundin ang kilalang 5-star hotel na Makati Shangri-La.

Facebook Comments