Nilinaw ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na ang dalawang antigen COVID-19 self-test kits na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ay sumunod sa technical guidelines ng US FDA at World Health Organization (WHO).
Ayon kay RITM Laboratory Chief Dr. Amado Tandoc III, bumuo sila ng guidelines para sa technical review ng antigen COVID-19 self-test kits.
Aniya, ginamit nilang reference ang technical guidelines ng US-FDA, iba pang regulatory authorities at WHO standards.
Hiniling din aniya ng RITM sa mga manufacturer na magsumite ng technical documents tungkol sa performance at validation ng kanilang test kits.
Paliwanag ni Tandoc, mas madali ang magamit ang self-test kits dahil hindi na kailangna ng isang healthcare worker para magsasagawa ng nasopharyngeal o oropharyngeal swab collection.
Kapag nasal sample ang kailangan, kukunin lamang ito sa harapan o kaya hanggang gitnang bahagi ng ilong habang may ibang test kit din na saliva ang sample na gagamitin.