Mga kabataang edad 12 hanggang 17 na fully vaccinated kontra COVID-19, umabot na sa higit 6 million

202

Aabot na sa 6.2 milyon na kabataan edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi ng Department of Health-Technical Advisory Group, katumbas ito 58.7 percent ng 10.7 milyon target population.

Nasa 7.6 milyon o 71.21 percent naman aniya ang nakatanggap na ng unang dose.


Base sa report ng Food and Drug Administration (FDA), tanging 3.11 percent ng nasabing age group ang nakaranas ng adverse events.

Facebook Comments