Paglibre sa mga OFW sa pagkuha ng yellow card, suportado ng Bureau of Quarantine

Bukas ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa posibilidad na gawing libre ang yellow card sa mga indibidwal na kailangan na talagang lumalabas ng bansa tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Pahayag ito ni BOQ Director Roberto Salvador Jr., kasunod ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bukas silang gawing libre ang yellow card para sa mga OFW.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Director Salvador na walang problema sa kanilang hanay ang nasabing suhestyon.


Katunayan aniya ay napag-usapan na nila ito kasama ang mga opisyal ng DOH.

Ang Kailangan lamang aniya ay magkaroon ng budget allocation o pondo ang pamahalaan para dito.

Paliwanag pa ni Dr. Salvador, magmula nuong 1970s ay nag-iisyu na sila ng yellow card nang libre.

Facebook Comments