Isinasapinal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang detalye ng panukalang ₱5.768-trillion na national budget sa susunod na taon.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, target nilang isumite sa Kongreso ang budget program isang linggo pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.
Ayon sa kalihim, ang 2024 National Expenditure Program (NEP) ay ipiprisenta bukas sa gabinete para sa final approval.
Naiprisentanna aniya ito sa pangulo kahapon.
Tiniyak ng presidente na ang 2024 budget ay nakatuon sa mga prayoridad din ngayong taon at sa Philippine Development Plan.
Unang nang inihayag ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ang proposed 2024 budget ay mas mataas ng 9.5% kumpara sa pondo ngayong taon.