Natagpuan na kahapon ang pari sa Cavite na unang napaulat na nawawala mula noong Abril 1.
Ayon sa hepe ng Rosario Municipal Police Station na si Police Lt. Col ruther Saquilayan, nakagapos nang makita si fr. Leoben peregrino sa loob ng kaniyang sariling sasakyan bandang ala-una ng hapon kahapon sa bayan ng Silang Cavite.
Kwento ng kaniyang kapatid na si Joel Peregrino, nagpaalam lamang ang pari noong umaga ng Abril 1 na bibili ng kandila sa Imus, Cavite bago siya mawala.
Si fr. Peregrino ay nagsisilbing kura paroko ng Most Holy Rosary Parish sa Rosario, Cavite.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang pari sa isang ospital sa Sta. Rosa, laguna habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Facebook Comments