Kinumpirma ng Malacañang na hindi na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) ngayong taon.
Ayon kay Communications Secretary Cesar Chavez, sa halip ay si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo na lamang ang magiging kinatawan ng Pangulo sa UNGA.
Dito ay ilalahad ni Manalo ang tugon ng bansa sa mga pandaigdigang hamon na pinaniniwalaang dapat maresolba sa ilalim ng ‘framework of peace and cooperation’ na nakasaad sa UN Charter.
Ang UNGA ay magaganap sa UN Headquarters sa New York mula September 22-23 ngayong taon at inaasahang dadaluhan ng iba’t ibang heads of states.
Matatandaang inimbitahan ni Mohammed Al Hammadi, ang Chairman at Chief Executive Officer ng Emirates Nuclear Energy Corp (ENEC) si Pangulong Marcos para dumalo sa International Declaration to Triple Nuclear Energy – 2024 Objectives sa nakatakdang UNGA.