Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsisilbing paalala ang Semana Santa sa mga Pilipinong Katoliko para palaganapin ang kabutihan at pag-intindi sa kapwa partikular sa mga kapos palad.
Sa kanyang Holy Week message, hinikayat din ng Pangulo ang publiko na tanggapin ang kanilang mga pagkukulang at huwag kalimutan na manalangin sa Panginoon.
Dagdag pa ng Pangulo, na sana ay makita sa aksyon ang produkto ng ating pagninilay at tanggapin ang kaligayahan at pagsubok ng buhay na parte ng plano ng Maykapal.
Libo-libong mga deboto ang dumagsa sa simbahan ngayong Linggo ng Palaspas na hudyat ng pagsisimula ng Holy Week na magtatapos sa March 31.
Facebook Comments