Consular mission sa Kazakhstan ng Philippine Embassy, kinansela dahil sa Moscow attack

Kinansela ng Philippine Embassy sa Russia ang consular mission nito ngayong araw sa Almaty, Kazakhstan.

Kasunod ito ng nangyaring pamamaril sa isang concert sa Moscow kung saan mahigit isang daan na ang namatay.

Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas na agad silang mag-aanunsyo ng bagong schedule sa consular mission.


Sa naturang pag-atake, mahigit isang daan din ang nasugatan.

Facebook Comments