Inaasahang sasampa na sa 10 million doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, posbleng maabot ang bilang na ito sa Lunes o Martes.
Ang pamahalaan ay tumutulong sa Local Government Units (LGUs) para sa kanilang vaccination rollouts.
Mula nitong June 20, aabot na sa 8,407,342 vaccine doses ang nagamit sa buong bansa.
Nasa 6,253,400 ang naturukan ng first dose, habang 2,153,942 ang nakakumpleto ng dalawang doses.
Facebook Comments