Bahagya ulit na bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa datos na ibinahagi ng OCTA Research Team, mula 0.98 noong September 26 ay nasa 0.96 na lamang ang naitalang reproduction number sa bansa kahapon, September 28.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mas nakikita na ngayon ang downward trend ng COVID infection pero nananatiling mataas ang hospital utilization rate sa maraming lugar.
Una nang ibinalik ng DOH sa moderate-risk classification ang bansa dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.
Facebook Comments