ARTA Director General Jeremiah Belgica, naka-home quarantine

Sumailalim ngayon sa home quarantine si Anti-Red Tape Authority Director General Jeremiah Belgica.

Ito’y matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang government official na nakasalamuha nito sa isang inspection.

Ayon kay Belgica, wala naman siyang nararandamang mga sintomas.


Pero, bilang pag-iingat ay kinansela niya ang kaniyang mga public engagement at mga nakalinyang gagawing inspection.

Pinayuhan din ni Belgica ang kaniyang mga staff at mga ibang nakasalamuha na mag self-isolate at magpatingin sa doktor.

Facebook Comments