Sen. Bong Go, nagpadala ng tulong sa mahihirap na komunidad sa Bukidnon

Tinungo ng outreach team ni Senador  Christopher “Bong” Go ang Cabanglasan, Bukidnon upang mamahagi ng tulong sa mga miyembro ng mga bulnerableng sektor na labis na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Sa video message, hinimok ni Go ang lahat na tumalima sa mga polisiya ng pamahalaan, habang sinisikap ng mga opisyal na balansehin ang economic at health issues na dulot ng pandemya.

“Napaka-importante po na ma-contain natin ang virus. Huwag tayo maging kumpiyansa dahil hindi natin kakayanin kung lalong tataas ang bilang ng mga kaso. Marami ang maapektuhan at mawawalan ng trabaho kung magsasara muli tayo,” aniya.


“Sa ngayon, ginagawa namin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat upang balansehin ang ekonomiya at public health. Ayaw namin may nahihirapan pero kung sakali tataas ang mga kaso, ang magiging pangunahing konsiderasyon namin sa bawat desisyon ay ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino,” dagdag ni Go.

Namahagi ang outreach team ng meals, vitamins at masks sa 1,509 na mga residente sa Cabanglasan municipal gymnasium. Ilang benepisyaryo ang tumanggap din mga sapatos habang ang iba ay nakapag-uwi ng bisikleta at computer tablets para sa kanilang mga anak na nasa ilalim ng blended learning set-up.

Pinayuhan din ni Go ang mga residente, partikular ang mga mahihirap na may karamdaman na bumisita sa Malasakit Center sa Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag, kung saan maari nilang ma-avail ang tulong ng gobyerno para sa kanilang pagpapa-ospital at iba pang kaugnay na gastusin.

“Halimbawa, may gastos ang pasyente na hindi covered ng PhilHealth, diyan papasok ang mga ibang ahensya. Kung kulang pa ang tulong nila, ang bawat center ay may funds mula sa Office of the President para pandagdag tulong. Target ng Malasakit Center na maging ‘zero balance’ ang bill ninyo para wala na kayong babayaran sa ospital,” paliwanag ni Go.

Facebook Comments