Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magkaroon ng isang presidential candidate na malinis mula sa korapsyon.
Ito ay kung nais ng PDP-Laban na matiyak na maipagpapatuloy ang reform agenda.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakikita niya na si Senator Christopher ‘Bong’ Go ay maaaring maging posibleng alternatibong kandidato para sa susunod na halalan.
“The best way is really, the faster way to do it is for the PDP to look for a viable candidate for the presidency. Now dito sa, in our narratives now, it would seem na, makuha lang natin ang continuity or at least the money of the people protected is we have a president who would not go into corrupt ways,” sabi ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Pangulong Duterte na nakahanda si Go sa posibilidad na ito.
Pinasalamatan naman ng senador ang suporta ni Pangulong Duterte pero nilinaw niya na wala siyang ambisyong maging susunod na pangulo ng bansa.