Senador, hinimok ang mga magulang na huwag nang mag-alinlangan na pabakunahan ang mga anak laban sa sakit na Pertussis

Hinikayat ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang mga magulang na pabakunahan kontra sakit na Pertussis o ‘whooping cough’ ang mga batang anak.

Ayon kay Go, ang bakuna ay libreng ibinibigay ng pamahalaan kaya hindi na dapat magdalawang isip ang mga magulang na bigyan ng dagdag na proteksyon ang mga anak.

Partikular na hinihimok ng senador na pabakunahan ng mga magulang ang mga may anak na sanggol hanggang anim na taong gulang.


Batay kasi sa mga lugar na may mataas na kaso ng Pertussis, puro mga bata at sanggol ang tinatamaan ng sakit.

Muli ring hinikayat ni Go ang publiko na magsuot ng facemask para makaiwas sa mga sakit tulad ng Pertussis.

Boluntaryo naman aniya ito at kung nagawa naman natin noon sa loob ng tatlong taon na magsuot ng facemask ay bakit hindi ulit gawin kung hindi naman aniya makakasagabal.

Facebook Comments