Nagpahayag ng kahandaan si Senator Christopher “Bong” Go na sumailalim din sa drug test kahit anumang oras kung kakailanganin.
Pahayag ito ni Go makaraang sumailalim ngayong araw sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President “Tito” Sotto III na may negatibong resulta.
Ayon kay Go, kahit hindi mandatory ay handa syang magpa-drug test para patunayan kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa bansa.
Facebook Comments