Hiniling ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Office of the President na maglaan ng ₱32 billion bilang ayuda sa mga rice farmers na apektado ng mababang farmgate price ng aning palay.
Sa kanilang liham, gusto ng SINAG na dapat nang manduhan ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) na maglabas ng pondo para i-subsidize ang farmgate price.
Sa pagtaya ng grupo, aabot sa 9 na milyong metriko toneladang palay ang aanihin ngayong peak harvest season.
Iginigiit ng SINAG na batay sa kanilang mga hawak na datos, binabarat ng ₱11.00 hanggang ₱14.00 ang kada kilo ng palay sa ilang mga probinsiya.
Ito’y taliwas sa inilalabas na datos ng gobyerno na matatag ang palay prices at binibili ng NFA ang palay sa ₱19.00 kada kilo.
Facebook Comments