Ibinalik na ang 51 container o unang batch ng 200 container na naglalaman ng basura sa South Korea.
Ito ay matapos itambak sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental ilang buwan na ang nakararaan.
Pero ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinatior Aileen Lucero – mayroon pang higit 5,000 toneladang basura sa Barangay Santa Cruz, Tagoloan ang nakatengga at hinihintay na ipalabas ng bansa.
Aniya, ang pagbabalik ng mga ilegal na basura ng South Korea ay tagumpay para sa environment justice, morality at sa rule of law.
Iginiit ni Lucero na ang mga waste shipments ay paglabag sa customs at environmental laws ng Pilipinas at Korean.
Nilabag din nito ang ‘basel convention’.
Dagdag pa ni EcoWaste na hindi tapunan ng basura ang Pilipinas, kaya hindi dapat tinatambak ng Korea ang mga basura nito sa bansa.
Tiniyak ng EcoWaste Coalition na patuloy silang magpupursige para maisulong ang zero-waste at toxics-free na Pilipinas.