1ST REGIONAL BEEF CATTLE CONGRESS, ISASAGAWA SA REHIYON DOS

CAUAYAN CITY – Inaanyayahan ang mga nais sumali sa rodeo event ng 1st Regional Beef Cattle Congress na gaganapin sa Lambak ng Cagayan.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Department of Agriculture Region 2, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Layunin ng congress na palakasin ang beef cattle industry sa pamamagitan ng iba’t ibang development initiatives at pagpapakita ng mga makabagong teknolohiya sa cattle beef production.


Maaaring sumali sa rodeo event ang mga sumusunod na kwalipikado ay mga estudyanteng kumukuha ng kursong Agriculture o Veterinary Medicine, mga kawani ng Provincial, City, at Local Government Units (P/C/LGU) sa Region 2, personnel ng mga pribadong kumpanya, at mga empleyado ng DA Region 2 at Research and Experiment Stations kung saan ang mga kalahok ay dapat may edad 18 hanggang 25 taong gulang.

Kabilang sa mga inaabangang aktibidad sa beef cattle rodeo ay ang
1 man lassoing, 2 men lassoing, casting down, karambola, bull whipping, wood chopping, at load carrying.

Sa unang araw ng congress, tampok rin ang isang food fair kung saan ipapakita ang iba’t ibang putahe mula sa karne ng baka.

Samantala, ang deadline ng submission para sa mga nagnanais lumahok ay sa Hunyo 8, 2025.

Facebook Comments