Supporters ng mga Aquino, patuloy ang pagdating sa Times St. sa Quezon City

74

Patuloy ang pagdating sa Times St. sa Quezon City ng mga tagasuporta ng pamilya Aquino para mag-alay ng bulaklak.

Ito ay bilang pakikiramay sa pagpanaw ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

Partikular na inilalagay ang mga bulaklak sa harap ng bahay ng mga Aquino at maging sa kanto ng Times St.


Ilan din sa mga tagasuporta ay nagse-selfie pa sa harapan ng mga bulaklak lalo na’t hindi na anila sila makakasabay sa paghahatid sa dating pangulo sa huling hantungan sa Manila Memorial Park.

Isang libong mga pulis naman ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para mangasiwa ng seguridad sa paglilibing sa dating pangulo.

Facebook Comments