Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, nanindigan na walang basehan ang mga paratang laban sa kaniya

Iginiit ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang hatol ng House Committee on Justice ng Kamara na ibinasura ang reklamo na nagpapatunay umano na walang basehan ang lahat ng mga akusasyon ng mga nagpaplanong tanggalin siya sa pwesto bilang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Ayon kay Leonen, walang sapat na porma at substansiya ang reklamong kaniyang natanggap na nagpapatanggal sa kaniya sa Korte Suprema.

Paliwanag ng mahistrado ng Korte Suprema, malaki umano ang tiwala sa kaniya ni House Speaker Lord Allan Velasco at ng House Committee on Justice kaya’t agad na inaksyunan ang reklamong pagpapatalsik sa kaniya.


Pinasasalamatan ni Leonen ang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil pinahahalagahan nila ang pagbalangkas ng mga mahahalagang bagay kaysa pagtuunan ng pansin ang impeachment complaint laban sa mahistrado.

Binanatan din ng mahistrado ang mga nagtutulak para patalsikin siya sa pwesto kung saan sinabi nito na nag-aaksaya lamang ng resources at panahon para sa kanilang sariling interes.

Facebook Comments