Bumuo ng techinical working group (TWG) ang House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez.
Ito ay para plantsahin ang mga panukala ukol sa pagbuo ng National Police Clearance System (NPCS) at paglikha ng centralized data system for criminal records.
Mamumuno sa TWG si PATROL Party-list Rep. Jorge Bustos at target niyang bumalangkas ng substitute bill mula sa naturang mga panukala.
Kasama ring pag-aaralan ng TWG ang panukala ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na pagtatag ng Philippine DNA Database System.
Ayon kay Barbers, layunin ng panukala na makatulong sa pagresolba sa mga krimen at pagpigil sa anumang ilegal na gawin.
Paliwanag ni Barbers, makakatulong ito para makilala agad ang mga indibidwal na sangkot sa krimen at maari rin itong magamit para patunayan kung guilty o hindi ang isang tao na pinaghihinalaang suspek sa isang krimen.