Mahigit isang P1-M halaga ng high grade marijuana, nasabat sa Las Piñas City

Inaresto ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Airport – Philippine Drug Enforcement Agency – Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-PDEA-IADITG) ang isang claimant ng parcel na naglalaman ng mahigit sa isang million pisong halaga ng high grade marijuana o kush mula San Diego California.

Kinilala ang suspek na si Juanito Jose Diaz Remulla III, 38-anyos at residente ng 18-D Poblete St., Gaha, BF Homes, Parañaque City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng NAIA-PDEA-IADITG ang controlled delivery na isang parcel mula sa nagngangalang Benjamin Huffman ng 1524 Horblend St. San Diego, California USA.


Naka consignee naman ito kay Juanito Remulla sa address na Block 6 Lot 7 Primrose St. Ponte Verde, BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.

Napag-alaman na ang nasabing parcel ay naglalaman ng 937 gramo ng high grade marijuana o kush na may street value na aabot sa P1,311,800.00.

Sa ngayon ay nakatakdang i-inquest ang suspek sa Las Piñas Prosecutors Office bago dalhin sa PDEA Jail sa Quezon City.

Facebook Comments