Epektibo sa July 1, ililipat na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagbibigay ng assistance sa Overseas Filipino Worker (OFW).
Alinsunod na rin ito sa Republic Act 1641 o pagtatatag ng DMW Act.
Sa ilalim ng batas, lahat ng assistance para sa OFWs tulad ng legal, medical, repatriation at shipment of remains ay kasama na sa mandato ng DMW.
Ang OFWs naman mula sa mga bansa na wala pang tanggapan ang DMW ay maaari pa ring dumulog sa mga Embahada at Konsulada ng Pilipinas.
Facebook Comments