Senado, isasapubliko ang umano’y hacking sa Comelec

Tiniyak ng Senado na isasapubliko nila ang report ukol sa umano’y hacking sa Commission on Election (COMELEC).

Sa executive session ng Kongreso, sinabi ni Senate Committee on Electoral Reforms Chairman Imee Marcos na walang nangyaring hacking pero nagkaroon ng breach o illegal na paglabas ng impormasyon mula sa Smartmatic.

Paliwanag naman ni Senate President Vicente Sotto III, isang tauhan ng Smartmatic ang naglabas ng laptop at hinayaang makopya ang laman nito ng isang grupo.


Aniya, kahit pa walang nangyaring hacking ay seryoso pa rin ang insidente kaya’t hahayaan nila ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon.

Malaking bagay aniya ang pagsisiyasat ng NBI hinggil dito na taliwas sa pagtatanggi ng COMELEC sa insidente.

Samantala, tumanggi naman si COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na magsalita sa isyu dahil lumabas ang usapin sa executive session.

Facebook Comments