Vaccination rate sa mga HEI, patuloy na tumataas; pangangailangan sa final push, nakasalalay sa 3-day vaccination drive ayon sa CHED

Umaasa si Commission on Higher Education Chairman (CHED) Popoy de Vera na malaki ang maitutulong ng 3-day vaccination drive para makamit ang target na vaccination coverage sa mga Higher Education Institution (HEI) sa mga rehiyon sa bansa.

Ayon kay De Vera, batay sa weekly reports ng mga Higher Education Institutions sa buong bansa, 82% ng mga faculty at HEI employees ay naturukan na ng first dose ng COVID-19 vaccine. Ito ay mas mas mataas kung ihahambing sa 72% vaccination rate sa huling bahagi ng October 2021 kasabay ng sobra-sobrang when supply ng vaccines.

As of November 25, 2021, nakapagtala ang mga rehiyon ng mahigit 70% ang vaccination percentage sa Regions 3, 8, 11, habang ang Cordillera Administrative Region ay nakapagtala ng halos 90% vaccinated na HEI personnel.


Mula sa dating 30 percent ay tumaas din ng 46% ang vaccination rate para sa mga estudyante sa mga school-based vaccination drive ng CHED at ng Department of Health (DOH), nga local government units at partner HEIs.

Abot sa 2,013 HEIs sa buong bansa ang nakapagpabakuna na ng 1,839,846 tertiary students sa Regions 9 (70.1%), CAR (57.5%), NCR (54.2%).

Facebook Comments