2.4-M na indibidwal sa Quezon City, fully vaccinated na

Umabot na sa mahigit 2.4 na milyong individuals ang nakakumpleto ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 virus.

Bunsod ito nang nagpapatuloy na QC Protektodo Vaccination program sa lungsod ng Quezon,

Ayon sa QC local government, umabot na sa 2,448,359 ang fully vaccinated individuals sa Quezon City kasama na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.


Habang nasa 2,255,719 na mga naninirahan at manggagawa sa lungsod ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Samantala, sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa minors with or without comorbidity, nasa 336,587 na bata na ang nabakunahan sa ilalim ng naturang programa.

Habang umabot na sa 835,283 individuals ang nabigyan na ng booster shot.

Dahil dito’y pumalo na sa kabuuang 5,746,972 doses ng bakuna ang naiturok na ng QC LGU sa lungsod sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.

Facebook Comments