AM at FM Station ng RMN Networks sa General Santos City, namamayagpag pa rin

52

Patuloy ang pamamayagpag at pangunguna ng RMN Networks sa bansa.

Dinomina na rin kasi ngayon ng 91.9 IFM GenSan at DXMD 927 ang General Santos City, batay sa latest KBP-Kantar radio listenership survey.

Sa survey, dinomina ng 91.9 IFM ang news at music entertainment matapos na makuha ang 88% market share sa lahat ng FM stations.


Habang ang DXMD 927 RMN GenSan ang nananatiling pinagkakatiwalaan at pinapakinggan AM Radio Station matapos na makakuha ng 83% market share.

Dahil dito, ipinapakita lamang na ang General Santos ay isang “certified RMN area” matapos na makuha ang total network market share of 89%.

Bukod sa General Santos, nangunguna rin ang mga AM at FM Station ng RMN Networks sa Naga City, Dagupan City, Iloilo City at Cagayan de Oro City.



Facebook Comments