2.6 milyong bata, nanganganib na mahawaan ng tigdas – WHO

Nanganganib na mahawa ng tigdas ang aabot sa 2.6 million bata ayon sa World Health Organization (WHO).

Babala ni WHO Technical Officer Maricel Castro, malaki ang posibilidad na magka-tigdas ang mga batang may edad limang taon pababa na hindi nabigyan ng tamang bakuna.

Lumitaw rin sa pag-aaral ng WHO na maraming mga bata ang hindi nabigyan ng bakuna dahil sa takot ng ilang mga magulang sa posibleng epekto nito sa kanilang mga anak.


Batay sa tala ng Department of Health (DOH), umaabot na sa 4,000 mga bata ang nagkaroon ng tigdas sa bansa at 70 naman ang napaulat na namatay dahil sa kumplikasyon na dulot nito.

Facebook Comments