2 Babae na Wanted sa Batas, Huli sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang dalawang babae na wanted sa batas nang isilbi ang kanilang warrant of arrest sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Naaresto ang dalawang akusado na sina Betty Bacena, 54 anyos, residente ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela at Marites Tutaan, 44 anyos, isang vendor at residente naman ng Brgy. Burgos, Ramon, Isabela.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodrigo F Pascua Jr., ng 14th MCTC Ramon-San Isidro Ramon, Isabela dahil sa kanilang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.


Dinala na sa himpilan ng PNP Ramon ang dalawang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya ang mga ito kung makakapagpiyansa ng tig labing dalawang libong piso (P12,000.00).

Facebook Comments