Retired police na tumatakbong konsehal sa Legaspi City, patay sa pamamaril

53

Patay ang isang retiradong pulis na tumatakbo sa pag konsehal  matapos pagbabarilin sa Cagbacong Legaspi City kanina.

 

Sa report  ni PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac kinilala ang biktima na si Ramiro Bausa.

 

Batay sa testigong si Joven Bausa Llanto Alas 3:20 kanina nakita nyang bumaba ng kanyang sasakyang ang biktima.

 

Pero pagkababa nito sa kanyang sasakyan sa may bahagi ng  Cagbacong road ay nakarinig sya ng limang beses na putok ng baril.

 

Hanggan sa may lumapit sa kanyang dalawang lalaki na umalis sa lugar.

 

Pagkatapos ng pamamaril natagpuan ang bangkay ni  Ramiro Bausa ng isang Brgy kagawad na si Kagawad Fe Aycocho.

 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang matukoy ang motibo sa pamamaslang at responsable sa pamamaril.

Facebook Comments