Ayon sa Department of Health (DOH), ang dalawang bagong kaso ng mpox ay na-detect sa Metro Manila.
Magandang balita naman kahit paano dahil parehong Clade II ang bagong mga kaso na mas mild na uri ng mpox virus.
Sabi ng DOH, nahawa ang mga pasyente sa pamamagitan ng skin-to-skin contact.
Sa ngayon, 12 na ang kabuuang kaso mg mpox na naitala sa bansa mula noong July 2022.
Siyam sa mga kaso ang gumaling na at naitala pa hanggang noong 2023.
Habang tatlo ang active cases na kasalukuyan ding may sintomas.
Facebook Comments