2 Bangkay na Natagpuan sa Ilalim ng Tulay sa Cagayan, Hinihinalang Salvage Victim

406

Cauayan City, Isabela- Hinihinalang biktima ng summary execution o salvage ang nangyaring pagpatay sa dalawang lalaki na natagpuan sa ilalim ng tulay sa Iraga, Solana,Cagayan.


Kinilala ang biktima na sina Joseph Vincent Frogoso, nasa tamang edad at nagmamay-ari ng isang kilalang panciteria (Jospeh Panciteria) sa lungsod ng tuguegarao at residente ng Atulayan Sur at Adrian Balisi, residente naman ng Brgy. Ugac Norte sa nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na report ng pulisya, hinihinalang pinatay sa ibang lugar ang mga biktima at sa bahaging tulay lamang itinapon para maligaw ang isasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Nabatid na may tama ng bala sa katawan at putol ang isang braso ng isa sa mga biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa pagtukoy ng nasa likod ng pagpatay sa mga biktima.

Facebook Comments