PhilHealth EVP & COO Arnel De Jesus, nag-abisong hindi makakadalo sa susunod na pagdinig ng Senado dahil sa problema sa kalusugan

151

Nagpadala ng liham kay Senate Vicente President “Tito” Sotto III si PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer 7 Arnel De Jesus.


Nakasaad sa liham na ikinalulungkot niya na hindi siya makadadalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth na nakatakda sa Martes, August 11, 2020.

Kalakip ng liham ang kanyang medical certificate na nagsasaad ng findings sa kaniyang kalusugan at medical procedures na kailangan niyang pagdaanan.

Nangako naman si De Jesus na kapag bumuti na ang lagay ng kaniyang kalusugan ay magiging available na siya para sa imbestigasyon ng Senado ukol sa mga anomalya sa PhilHealth.

Facebook Comments